Pag-ibig ang nais kong makita ngunit karahasan ang iyong pinakita, binenta mo ako sa mga lalakeng nakapila, Nasaan ba ang pag-asa? Meron ba akong umaga? gabi-gabing yakap ang sarili kong mga braso, inaalam kung bakit nangyari ito, Nasuklam ako sa mundo ng dahil sa mga naranasan ko sa piling mo, pinaranas mo ang impyerno sa ibabaw ng mundo, nandiri ako sa sarili ko dahil sa kagagawan mo, Gusto ko ng makatakas ngunit paano? Paano ba ako aalis sa putik na pinaglagyan mo? Paano pa ako haharap sa mundo kung pati ata ang daigdig ay tinalikuran na ako, Ako si Roxanne Torillo, ang babaeng binenta ng sariling asawa sa iba't-ibang lalake para kumita, ang babaeng pinilit nilunok ang madilim na bukas para sa kapirasong tinapay na pang laman sa sikmura, ang babaeng umaasang sana bukas may liwanag na. Alright Reserve © 2020 LigawNaDyosa