* Published under PHR, August 2010 * Unedited. Copied straight from Manuscript Pagkaraan ng anim na taon ay nagpasya si Heleina na bumalik sa Miasong, ang hometown na iniwan niya. Isa siyang supermodel sa ibang bansa. Masaya siyang umuwi dahil makakapiling uli niya ang kanyang pamilya. Ngunit higit na pinananabikan niyang makita si Ravvy, ang guwapong anak ng pinakamayamang angkan sa lugar nila at unang lalaking kanyang minahal. Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon. Alam niyang labis na nasaktan niya ito nang piliin niyang mangibang-bansa para sa kanyang pangarap. Ngayong nagkrus uli ang kanilang mga landas, napagtanto niyang ito pa rin ang laman ng kanyang puso. Ngunit handa na ba siyang isuko ang kanyang pangarap na pinaghirapan niyang pagtagumpayan para sa lalaking minamahal?