









Pag-ibig at Paghihiganti. Dalawang bagay na parehong may malalim na kahulugan, ngunit isa sa kanila ang tunay na paraan upang wakasan ang kalapastangan at kataksilan. Dalawang taong may mag-kaibang layunin ngunit parehong mahuhulog sa patibong ng pag-ibig. Magwawagi nga ba ang pagmamahal kung isang taong puno ng galit at kasuklaman ang makakaramdam? At paano iyon mapipigilan ng pusong naghahanap lamang ng katarungan? Ano nga bang landas ang dapat na piliin ng mga puso nila? Ang pagmamahal ba na hindi alam kung magagawang suklian o ang galit na hindi malaman kung paano magtatagumpay? Alin ang dapat nilang piliin? *** His Dangerous Affection written by InkquiLLish ©2025 Available - WebNovel written by Binibining_Ishangg ©2025
More details