Hindi ko maalala kung kailan nga ba naramdamang muli ang init ng simoy ng hangin tuwing sasapit ang pasko. Kailan nga ba? Kailan nga ba ako sumali sa samahan ng mga malalamig ang pasko na pati ang simoy ng hangin ay pinaiiyak ako. Kung sa tuwing pagsapit ng pasko ay ganito ang mararamdaman ko, paano nga ba ang maging manhid? Naniniwala pa ba ako sa aspetong 'pambata' na lamang ngayon? Pasko? Kailan ko nga ba naalalang naniwala ako dito? Ah, matagal na. -Lance