[COMPLETED] LOVE WINS Book 4: Lost in the Change
32 parts Complete Isang taon na ang lumipas mula nang magising si Max Alexandrae Trinidad mula sa pagka-comatose. Sa pag-uwi ng kanyang lolo at lola, siya ang itinalaga bilang bagong CEO ng kanilang kompanya, ang Silverio Clothing Line, dahilan upang maging abala siya sa trabaho.
Isang araw, muling nagkrus ang landas nila ni Raphael Augustus Anderson, ang kapatid ng isa sa kanyang matalik na kaibigan. Nag-apply si Rafa bilang modelo sa kanilang kompanya at natanggap naman. Dahil sa paghahanda para sa isang malaking event, madalas magkita ang dalawa.
Habang lumilipas ang panahon, unti-unting nahulog ang loob ni Alex kay Rafa. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagbabalik ng isang tao mula sa kanyang nakaraan-isang pagsubok na magpapaalala ng kanyang mga sugat at kahinaan.
Ano kaya ang bagong hamon na haharapin ni Alex? At kaya niya kayang lampasan ito?