"Hayag ang liwanag ko sa gabi kung walang ulap sa aking tabi akoy malaking ilaw na nakasindi na tila hindi napupundi, ako'y gising sa gabi'ng malalim at nagsisilbing ilaw sa daang madilim ngunit ang lahat ay matatago sa lihim kung ang langit ay makulimlim. Ako'y tiyak na masisiyahan kung sandaling pagma-masdan lumabas mula sa iyong tahanan at mamangha sa ilalim ng buwan. Buwan ang aking pangalan masdan ang aking kagandahan, bituin ang aking mga kaibigan at ang tahanan namin ay ang kalawakan.."