Ang Longos ay ang antolohiya ng mga kuwento o tula na inililimbag ng CYWA. Laman nito ang mga akda ng mga fellows na dumaan sa palihan--mula lektura sa pagsulat ng tula at kwento, hanggang sa lingguhang peer-critiquing workshop.
Ang unang isyu ng Longos ay inilathala ng CYWA noong 2017 at unang inilabas sa Bette Living Through Xeroxography (BLTX) ng taon ding iyon.
Mga Rebyu:
"Malalim at mayaman ang tradisyong pampanitikan na nagmula sa Cavite, at naririto sa LΓ³ngos, ang pagtatangka ng mga papausbong na manunulat mula sa probinsyang ito na magmapa ng sarili nilang bayan gamit ang kanilang tinig, talinghaga, salita't dalumat. Dito, sa likhang-bayan nila, may naghahapunan ng konsensiya, may nanaginip ng salabay, may mga billboard na nagbebenta ng emosyon, na parang isang likas na mundo itong kanilang inaalay. Kapanapanabik kung saan pa nila tayo dadalhin."
-Enrique S. Villasis
"Kaabang-abang ang bawat akda sa LΓ³ngos sapagkat kabisado ng mga manunulat ang nais nilang ipunto at kung paano ito ipapahayag. Napakahusay nilang mag-handle ng kapangyarihan ng wika."
-Beverly Wico Siy