Julianna Antonietta Guerrero, isang estudyante sa kolehiyo na hindi maalam makisalamuha at magtiwala, lalo pa't higit sa mga kalalakihan. Isang ordinaryong babae lamang si Juliet kung tutuusin, siya rin ay matalino, masipag at kaniyang gagawin ang lahat upang mabuhay ng matiwasay. Ngunit papaano kung ang lahat ng mga sumpa o panuntunan na kaniyang ginawa upang maprotektahan ang sarili ay bigla na lang masisira sa isang iglap lamang? Makakayanan niya kayang iwasan ang mga taong magpapabago ng kaniyang paniniwala sa mga tao o hahayaan niyang masunod ang kaniyang damdamin?