Story cover for Scarlet Lucid Dream (On-going!) by MischievousInkAddict
Scarlet Lucid Dream (On-going!)
  • WpView
    Reads 490
  • WpVote
    Votes 193
  • WpPart
    Parts 30
  • WpView
    Reads 490
  • WpVote
    Votes 193
  • WpPart
    Parts 30
Ongoing, First published Dec 08, 2020
Naranasan mo na bang managinip na natatandaan mo lahat ng mga nangyari sa oras ng iyong paggising? May pagkakataon bang kaya mong isalaysay ang mga pangyayaring naganap sa loob ng panaginip mo?

Hindi lahat ng tao ay may kakayahang matandaan ang mga kaganapan sa loob ng kanilang panaginip. Kadalasan, halos 95% ng panaginip ng isang tao ay kanilang nakalilimutan at tanging kaunting porsyento lang ang kanilang natatandaan. 

Ngunit, may isang paraan kung paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang tao na matandaan ang kaniyang panaginip nang mas maliwanag pa sa sikat ng araw. Ang prosesong ito ay tinatawag na "Lucid Dream". Ilan lang ang may abilidad na gawin ang pamamaraang ito dahil nangangailangan ito ng matinding konsentrasyon.

Malaki ang maitutulong ng paglu-Lucid Dream kung nais mong malayo sa tunay na mundo at pasukin ang mundo ng panaginip kung saan kaya mong kontrolin ang mga pangyayari. 

Pero paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakita kang isang serial killer sa loob ng iyong panaginip at sa puntong iyon ay nasaksihan mo ang kaniyang karumal-dumal na pagpatay? Napatunayan mo rin na ang kaganapan sa loob ng iyong panaginip ay nangyayari rin sa tunay na daigdig? Ano ang gagawin mo? 

Ito ay kwento ng isang babaeng may kakayahang mag-Lucid Dream at ng lalaking isang dream traveler na kaniyang makakadaupang-palad sa isa sa kaniyang mga panaginip. Samahan silang tuklasin ang misteryo ng pagkamatay ng maraming tao at isiwalat kung sino ang marahas na pumapatay.

Dream. Hide. Unravel.

Caution: Beware of Dreaming. You might die.

Do you believe that dreams do come true?

Scarlet Lucid Dream

2021

Highest Rank:
Rank 1 - Luciddream (August 23, 2021)
Rank 1 - bloodandgore (August 23, 2021)
Rank 18/1.59k - scary (October 1, 2021)
Rank 256/16k - Thriller (October 1, 2021)
Rank 540/32.5k - Mystery (October 1, 2021)
Rank 69/5.62k - dream (October 1, 2021)

Start Date: February 2, 2021
End Date: N/A
All Rights Reserved
Sign up to add Scarlet Lucid Dream (On-going!) to your library and receive updates
or
#110dream
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 9
Blackburn Forest Apocalypse cover
The Letters [COMPLETED] cover
Lucid dreamer (The Adventure of Enzo) COMPLETED cover
His Brown Eyes ( Completed ) cover
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 1 cover
True Philippines Ghost Stories- Haunted Pilipinas Book 2 cover
Balintataw (Completed) cover
ASWANG: Kampon ng Kadiliman ( Book 1 ) cover
The Midnight's Curse (Soon to be publish) cover

Blackburn Forest Apocalypse

25 parts Complete Mature

Kapag inaya ka sa isang field trip sasama ka ba? Paano kung samahan nang isang milyon piso para lang sumama ka, sasama ka ba? Kaibigan, kaklase, at pamilya, Makikita ay luha sa kanilang mata, Hindi mo makikitaan ng tuwa, Hindi tubig ang luha bagkus dugo ang iluluwa. Milyon kapalit ang buhay nila, Milyon para lamang sa pag-ibig niya, Milyon ngunit buhay mo ang taya, Milyon na ang hatid ay panganib pala. Lumingon ka sa kanan at kaliwa, Mag-ingat ka baka makagat ka, Tumingin sa itaas at ibaba, Baka ikaw ay kanilang inaabangan na. Hahabulin ka nila? O hahabulin mo ang iyong hininga? Sumigaw ay aking paalala, Baka pumanaw ka ng maaga, Hindi makakita, ngunit malakas ang pandama, Makalmot ay magiging kagaya ka na nila, Makagat ay mas malala pa, Kaya mag-iingat ka, tumakbo ka na! Halina, kaibigan. Samahan mo kaming tuklasin kung ano nga ba ang lihim ng gubat na iyon? At sa pagsama mo sa amin, bilisan mo na rin ang iyong pagtakbo baka mahabol ka nila.