Kwento ng bundukerong ninais maakyat at marating ang kasiyahan sa buhay. Pero hindi rin, nais n'ya lang tumakas sa kung anong mayroon sa kapatagan.
Ang kwentong ito ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring naglalaman ng mga maseselang tema, lingguwahe, karahasan, sexual, horror at droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa.
P.S. May kanya-kanyang istilo ng pagsusulat ang bawat may-akda, ito ang istilo ko!. Para kapag naging pelikula s'ya hindi na sila mahihirapan bumuo ng script, dahil script style na ito. Biro lang, doon lang talaga ako kumportable!
Sa kabilang banda, ang Kwentong ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng pagsusulat. Subalit ang lahat ay malayang makakapagkumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin. Ang KOMENTO ay KOMENTO., gaano man kasakit, gaano man kaganda -sa tipong nakakataba ng puso. Sa lahat ng mga magbabasa, Maraming Salamat po!
-Otep
Matapos mabigo ni Ethan sa kanyang fianceè na si Ariane, iniwan nito ang kanyang buhay sa syudad para bumalik sa Hiagaki village. Ang lugar na kanyang kinalakihan. Ang lugar na ilang taon niya pilit na kinalimutan dahil sa isang masakit na nakaraan.
Pagdating ni Ethan sa Hiagaki village ay tila wala pa rin nagbago mula sa mga tao hanggang sa kapaligiran maliban sa isang childhood friend na paulit-ulit niya kinakalimutan.
Ang childhood friend na minsan gumulo ng kanyang buong pagkatao. His name is Lemon Blaire Evangelista, ang taong bumago sa inosenteng kaisipan ni Ethan.