Cinderella Gone Wrong! | Completed
12/13/ Year 1864
Dear Kapalaran,
Mapaglaro ang kapalaran ng buhay ko. Minsan masaya, malungkot.... at minsan, walang pera. Oo kapos ako hehe~
Ako si Manami, magulo na masaya ang buhay ko. Pero hindi ko na inaasahan na isang araw, gigising na lang ako sa mundong magpapabago sa buhay ko.
Sino ba namang hindi magugulat kung mapupunta ka sa inaakala mong fiction lamang? Nababasa ko lang siya sa libro pero tinotoo na talaga ng tadhana. Hayst~
Gusto ko lang namang maging masaya hanggang sa huling hininga ko pero huwag namang mareincarnate. Okay na 'ko sa last life ko eh. Tapos hahabol ka pa ng isang pagkakataon.
Gusto mo pang malaman ang kasunod? E di magbasa ka.
Gipit na gipit,
Manami