Deib Lohr Enrile, Juanito Alfonso, Possessive men, Zeke, Jeydon, Elton and 99 others. Isa ka rin ba sa inlove sa kanila? HAHAHA ako rin eh! Yung tipong ang laki na ng eyebags dahil babad sa cellphone para lang matapos ang story. Yung tipong sila lang sapat na bilang boyfriend at ASAWA ,kahit walang jowa sa reality. Yung tipong sege ng sege pa rin kahit sumakit na ang ulo ,lumabo na ang mata, at pinagalitan na ni Mama. Yung tipong sinira ang iyong ka-inosentehan dahil pinalitan ng kamanyakan. At higit sa lahat... ang escape ng karamihan dahil sa masaklap na reality. Saan ka nga ba aabutin ng iyong ka-adikan? -JERELEE ZIN VAILOCES BERNALDEZ ADIK ako sa WATTPAD pero BITTER ako REALITY. At ito ang aking kuwento.