Madami ang nagtataka kung bakit ibang iba si Andy sa mga katulad nyang anak mayaman. Bukod sa hindi sya ganun ka galing sa pakikipag socialize sa tao, wala pa rin nakakakita sa kanya na makipag close sa mga katulad nyang mga 'alta sa syudad'. Pero dahil sa mysterious at unworldy attitude nya, madami ang naaattract at gusto syang makilala. Yon ang isa sa kinaiinis sakanya ni Lean, ang head cheerleader slash dating bestfriend ni Andy. At di tulad ni Lean na halos gawin ang lahat para lang mapansin ng mga gwapo at mga kilalang lalaki sa school, nagagawa ni Andy na ma attract lahat ng ito ng walang kahirap hirap. Kaya isang araw, hinamon ni Lean si Andy sa isang pustahan. Isang pustahan na magdadala kay Andy para makilala si Jake...... Isang pustahan na magbabago ng buhay nila....