Maximus San Fuego isang babae na simple lamang nakatira sa tondo manila kasama ang kaniyang lola hindi mayaman at hindi rin mahirap pero sapat na ito para makakain ng tatlong beses sa isang araw. Laking probinsya si maximus ngunit dahil hirap siyang mag commute galing sa kanilang probinsya hanggang tondo ay napilitan siyang lumipat sa siyudad. Kahit mahirap ang buhay ay pinilit ni maximus makapag tapos ng pag aaral at sa awa ng diyos ay nakatapos ito. Ulila na si maximus tanging ang kaniyang lola na lamang ang kanyang kasama. May tinutuluyan silang maliit na bahay sa tondo manila na siyang nagsilsilbing tahanan nila. Bata pa lamang si maximus ay hindi na niya nakilala ang kaniyang ina dahil namatay raw ito sa sakit na cancer ayon sa kaniyang lola. Ang ama naman niya ay naaksidente pero bago pa naman pumanaw ang kaniyang mga magulang ay nagtira ang kaniyang ina at ama ng pera para kahit papaano ay may allowance siya. At sa hindi inaasahan ay dadating ang araw na pati ang kaniyang lola ay kukunin ng diyos sa kaniya. Naging masakit kay maximus ang pagpanaw ng kaniyang lola, lola na kasama niya simula noong bata pa lamang siya, lola na nag alaga sa kaniya, at lola na nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal ng isang ina na hindi niya naranasan sa kaniyang mga magulang. Sa pagkawala ng kaniyang lola ay hindi inaasahan na may darating na magandang oportunidad na siyang pwede magpabago sa buhay na kinagisnan ni maximus tatanggapin niya ba ito or pipiliin niya na mabuhay mag isa?