Si Remiah Chavez ay isang normal na 18 taong gulang na dalaga na nabubuhay sa taong 2021 kung saan ang mga taong ipinanganak mula noong huling bahagi ng ika-19 na siglo hanggang ika-20 ay tinatawag ang kanilang sarili bilang Generation Z o mas kilalang Gen Z. Panahon na ang mga Gadget ay ginagawa talagang madali ang kanilang buhay. Habang mga Social Media naman ang pinagkukuhanan ng kasiyahan ng mga tao. Okay na ang lahat para kay Remiah Chavez hanggang Isang araw bigla syang kausapin ng weirdo nyang kaklase pero kapansin-pansin ang pagbabago nito. May mga sinabi itong hindi nya maintindihan ngunit isa lang ang sigurado nya na sinabi nito at 'yon ay meron syang dugo ng kinalimutang dyosa ng tagalog na si Dian Masalanta. Mula nang araw na 'yon ay natigil na ang normal nyang buhay dahil simula 'non ay isa isa nyang nakilala ang miyembro ng pamilya Peligro na wala ng ginawa kundi kulitin sya na sya ang susi sa sumpa na bumabalot sa pamilya nila. Ngunit ang hindi nya maintindihan ay ang pagpapakilala ng mga ito na sila ay iisa at ang pangalan nila ay Datu Lathala. Kultura, Pagmamahal, Sakripisyo at Pagpapahalaga ang mga matutunan ni Remiah habang kasama nya ang Datu na nagpapagulo sa buhay nya...
4 parts