Matthew 5:1-9 [1]And seeing the multitudes, he went up into a mountain: and when he was set, his disciples came unto him: At pagkakita sa mga karamihan, ay umahon siya sa bundok: at pagkaupo niya, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad: [2]And he opened his mouth, and taught them, saying, At binuka niya ang kaniyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi, [3]Blessed are the poor in spirit: for theirs is the kingdom of heaven. Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. [4]Blessed are they that mourn: for they shall be comforted. Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin. [5]Blessed are the meek: for they shall inherit the earth. Mapapalad ang maaamo: sapagka't mamanahin nila ang lupa. [6]Blessed are they which do hunger and thirst after righteousness: for they shall be filled. Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin. [7]Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy. Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan. [8]Blessed are the pure in heart: for they shall see God. Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios. [9]Blessed are the peacemakers: for they shall be called the children of God. Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.