Puno ng kaguluhan ang buhay,ano mang galaw apektado ang bawat isa tama o mali damay ka,magpatianod sa sinasabi ng iba,gustuhin mo man na baguhin ang tadhana subalit ito'y nakasulat na,papaano ka kaya? Maging tama na may masasaktang damdamin o piliin ang ikasasaya kahit na ito'y nabubuhay sa kasinungalingan? Nasaiyo ang desisyon subalit nagaatubili pa, Gustuhin mo mang gawin subalit oras ay kapos na.Ika nga buhay ng tao ay limitado kaya't hindi ka sigurado. Manatiling nagiisa dahil takot na uling gamitin ng mundong mapang api,ginagamit ang iyong kahinaan upang ikaw ay kontrolin.Mamuhay sa dilim at nagiisa. Hindi na muling magtitiwala dahil minsan ng itong sinira,uunahin na ang sarili makuha lang ang sapat na minsan ng ipinagkait. Puno ng sekreto ang buhay sino ang iyong pagkakatiwalaan?sigurado ka ba na tunay ang iyong kaharap o isa lang din ito sa mga taong maraming lihim at bahong tinatago. Puro duda at kaba hindi sigurado kong tamang magtiwala pa,magtitiwala pa ba?may tiwala pa nga bang natitira?