Siya'y tagahanga lamang ngunit hinuhusgahan na siya ng karamihan. Pilit nila siyang sinasaktan upang bitawan yung pagiging tagahanga niya sa mga iniidolo niya. Wala siyang nakuhang batbat sa pamilya niya kung hindi ang sermon tuwing nagkakamali siya. Sermon na dapat hindi nadadamay ang mga gusto niya ngunit sa mata ng kanyang pamilya iyon ang dahilan bakit siya nagkakamali sa mga ginagawa niya. ------------------------------------------------------------- Mali po kayo ng pagkakaintindi. Ang pagidolo ay isang rason ng iyong pagkamit sa mga pangarap na hinahangad sa buhay. Hindi lang po namin sila sinusuportahan dahil sa mukha, ugali at pagpapatawa nila kundi ang pagiging down to earth nila at magalang pa rin sila sa mga mas mababa sa posisyon nila. Never nilang ginawa ang tumapak ng tao, hindi din nila pinandidirian ang mga dukha kasi sila mismo ay nanggaling diyan. Lumilingon pa rin sila sa mga pinanggalingan nila kahit sila'y nakaangat na sa buhay.Hindi nila binabalewala ang tulong ng mga supporters nila. Bago po kayo manghusga siguraduhin mo munang alam mo yung mga salitang ilalabas ng bunganga mo, kilalanin niyo muna sila bago kayo manghusga dahil wala silang ginagawang masama sadyang yung utak niyo lang ang problema o sadyang mapanghusga talaga kayo ng mga tao.