nasira ang highschool life ni Gillian Avery Beatrice H. Irvine aka GAHBI ng dahil sa isang kasinungalingan ng kanyang kaklase sa puntong wala nang naniniwala sa kanya ngunit may nag iisang tao ang hindi tinalikuran si gahbi, naniwala siya at lagi siyang nasa tabi ni gahbi na kahit anong sabihin ng iba ay kay gahbi parin siya naniniwala. Makalipas ang apat na taon na pagaaral sa STS (Somerset Technical School) highschool ay ipinagpatuloy niya parin ang pag aaral doon kahit na sirang sira na ang kaniyang image sapagkat ang STS ang dream school ng lahat, mahirap at mahal makapasok sa sts kaya nagpursigi siya na mag aral para sa kinabukasan niya at bilang regalo sa pamilya niya ay makapagtapo doon. Tumuntong na sila sa senior highschool at nag iisang tao parin ang naniniwala sa kaniya, buhay na buhay parin ang issue na nangyari nung highschool ngunit sa unang araw ng pasukan may isang tao ang dumagdag sa isipin ni gahbi. Sa lahat ng di naniniwala kay gahbi. Maniniwala kaya itong isang tao na ito kahit na hindi niya alam ang mga nangyari noon? Darating ba sa punto na maniniwala siya o hindi? ---- on going :20/12/2020All Rights Reserved