Siya si Elisa de Silva, nag-iisang anak ng pinakamayang angkan sa bayan ng Sta. Cruz. Habang si Danilo Bartolome, ang anak ng kasalukuyang gobernadorcillo at pinakamaimpluwensyang angkan sa bayan. Matagal ng magkakilala at magkaibigan ang mga ama nina Elisa at Danilo kaya napagkasunduan nilang maipag-isang dibdib ang kanilang mga anak upang mas mapagtibay pa ang pagkakaibigan ng dalawang angkan. Naisatakda ang pag-iisang dibdib nila Elisa at Danilo sa ika-dalawampu't limang kaarawan ng dalaga. Ngunit sa gitna ng kanilang paghahanda sa nalalapit na kasalan ay makikilala ni Elisa si Carlo Natividad, isang sundalo ng Pilipinas na nadestino sa kanilang bayan kasama ang kaibigan nito na si Juan Feliciano upang maghatid ng balita ukol sa napipintong pakikipaglaban ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano. Si Isabel Feliciano ang nakababatang kapatid ni Juan Feliciano at ang kasintahan ni Carlo Natividad na naiwang naghihitay sa kanilang sariling bayan ng San Rafael, habang ang kanyang nakatatandang kapatid at iniirog ay pumunta sa bayan ng Sta. Cruz upang maghatid ng balita. Sa kalagitnaan ng nalalapit na kasalan at trahedya ay uusbong ang isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang puso na hindi maaaring magsama. Isang puso na nakakulong sa isang kasunduan at isang puso na nakagapos sa piling ng iba. ~~~ "Ikaw at ikaw parin hanggang sa dulo ng walang hanggan, mi amor." Book Cover Artwork by: Dark_Spookifyyy