thelivingtaro©️ All rights reserved Sabi nila, ang namumuhay sa musika ay namumuhay rin sa pag-ibig. I'm in love with my passion, singing. Sabi ng mudra ko, three years old pa lang daw ako, kumakanta na ako. Laging nag pperform kahit nung kindergarten, prep at elementary pa lang ako. Nung high school, nagpush ako na mag voice lessons na, at sumali sa choir. Dun ko nahanap yung happiness ko mga besh. Naging forte ko ang pagkanta ng classical music. Minahal ko ang pagiging isang korista. Hanggang college ako, halos every month may engagements ang choir. Dun ko rin nakilala si Lord nang mas malalim. Dun ko narealize na eto yung maisusukli ko sa lahat ng blessings Niya sa akin. Iniisip ko nga, baka kung hindi ko nakasama mga kapwa ko korista, baka hindi ako naging ganito. I mean, nag improve ako sa lahat ng bagay at mas lalong lumawak yung social life ko. Pero higit sa lahat, kung hindi dahil sa choir, baka hindi ko siya nakilala. Hays. Ewan ko ba? Dapat ko pa ba talaga siya makilala? Siya na ba ang unang magiging dahilan para hindi ko na mahalin 'tong passion ko na 'to? Siya na ba ang unang dahilan na yung excitement ko sa pagkanta, mawawala? xxx Author's Note: Hi guyth!!!!! It's been uhmmmmm hahaha! 7 years ba? Grabeee ang tagal ko nang hindi nakapag sulat. Siguro kasi wala akong inspiration na before kaya tumigil ako. Pero ngayon, I'm gonna start another extraordinary story which is somehow true to life 🤗 May mga part lang 😁 Hope you would support this story and sa part ko naman, gagawin ko lahat ng makakaya just to keep you guys updated always kada chapters despite busy na sa work. Please vote or comment if you like the chapter, and para rin mas malaman ko if nagustuhan nyo sya 😊 Enjoy your quarantine reading!! PS. Dedicated to all KORISTA/CHOIR! 🤗
5 parts