Si Arwyn Helldric Ibarra ay isa sa pinakakilala sa Riverdale University. Halos nasa kanya na ang lahat, ang kayamanan, ang kakisigan at kagwapuhan, ang mga maaasahang kaibigan, angking talino at kakayahan, ang pinapangarap na babae ng karamihan, at higit sa lahat, ang kasungitan. Napakaarogante at mainitin ang ulo pagdating sa ibang tao. Malakas ang loob niyang magsungit dahil ang pamilya niya ang isa sa nagmamay-ari ng unibersidad.
Dahil kay Bella, ang kanyang girlfriend na maganda, mayaman, matalino, at mabait na hinahangaan at kinaiingitan din ng karamihan, unti-unting niyang nakokontrol ang mainit niyang ulo-- na madalas pa rin na nagiging mainit.
Samantala, may bagong lilipat sa nasabing unibersidad. Nagbabakasakaling hindi na mauulit ang mga naranasan niya sa mga dati niyang school. Ang inaasahan ba niyang mangyari ay mangyayari sa pagtungtong ng bagong school?
Sa pagpasok ng unang araw sa unibersidad, magtatagpo ang kanilang mga landas, na minsan ay hiniling nila na sana ay hindi na lang nagtagpo. Alamin ang iba't-ibang kaganapan at kung paano mababago ang buhay at damdamin ng bawat isa sa mga karakter.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.