Sabi nila bata pa raw ako sa love love na yan. Hindi ko raw alam ang ibig sabihin nito at mag hintay hanggang sa ako'y lumaki. Pero, pano nga ba natin masasabing inlove tayo sa isang tao? Hanggang ngayon di pa rin ako sure kung nainlove nga ba ko sa kanya o sadyang paghanga lang? Ang alam ko lang. Di ako makatulog kakaisip sa kanya. Sa future naming dalawa. Di ako makakain at laging walang gana.Lutang kasi ang utak ko kakaisip sa mukha niya. Pag katext o katawagan ko siya. Di mawala ang ngiti ko sa labi at parang sasabog ang dibdib sa kaba. Yung pag andiyan sa paligid, para akong timang na di mapakali at kilig na kilig. Wala akong ibang nakikita kundi siya. Siya lang ang gwapo para sakin at nakakalimutan ko ang mundo pag kausap ko siya. Sa tingin niyo? Love na bang matatawag yun?