Paano kong ang taong mahal mo may mahal ng iba? Makakaya mo kayang sumugal para sa inyong dalawa? o Hahayaan nalang sila, dahil alam mo sa sarili mong talo kana o mananatili kaparing Bulag na lalaban kahit alam mong masaya na sya sa iba,
Kaya mo bang isipin na sa bawat araw na makikita mo silang masayang magkasama nandun ka na parang isang kamera, nanonood lang walang magagawa kondi pangarapin na sana pweding ikaw nalang ulit ang kasama nya,
Makakaya mo kaya ang sakit?
Pero paano kung sa sakit na iyong nararamdaman may isa ring taong humihiling na sana sya nalang din ang iyong mahalin,
Ang taong pinagkasundo lang sayo pero naging parte nadin ng chapter ng buhay mo,
Matotonan mo kaya syang mahalin? o hanggang doon nalang talaga kayo,
Sa mundo ng isang tunay na pagmamahal alin ba ang mas matimbang?
Ang pagpapalaya at pagtanggap na talo kana, o pagpatuloy sa inyong naumpisahan at pangako na ipaglalaban ang bawat isa?
Naranasan niyo na bang umibig ng palihim? Yung ikaw lang ang nakaka alam na mahal mo siya? Yung mag isa kang nasasaktan pag nakikita mo siyang kasama ang mahal niya. Ang sakit noh?
Sana ang pag ibig pag mahal mo, mamahalin kadin tulad ng pagmamahal mo sakanya. kapag magkasama kayo gusto mo yung nasa isip niya ikaw lang, na kapag wala ka hindi siya makikipag usap sa totoong mahal niya, na sana ikaw nalang yung mahal niya .Yung ganun? Ang sakit diba?Pinipilit mo nalang tumawa para maitago ang sakit na nararamdaman mo. Tapos magtatampo ka eh wala namang "kayo" kaya ikaw lang nasasaktan,
Matagpuan mo pa kaya ang Forever mo?