Tula ng isang Gen-Z
(Sukat 16-16)
Generation-Z ito ang siyang kinabibilangan ko
Subalit madalas mga klasikong bagay ang hilig ko
Wari bang naligaw lang ako sa henerasyong ito
Iniisip na maling panahon ang napuntahan ko.
Tiktok, mga sikat na vlogger at kung ano pang mga uso.
Bagama't alam, madalas walang pake sa mga ito.
Pagbabasa, sining, literatura, mga bagay na ito,
Bumuhay sa mailap kong interes sa kahit ano.
Madalas pluma'y siyang kasangga sa marahas na mundo.
Mga bagay na patok at sinusundan ng karamihan,
Di ito ang makadidikta sa pagkakakilanlan.
Di nais maging asong nakasunod, takot maiba.
Nasubukan mo na bang tingalain ang kalangitan?
Doon ay iisipin tinataglay mong kaibahan.
Sarili'y bulagin muna sa dikta ng karamihan,
Baka sakaling matagpuan, sarili mong daan.
Kabataang Gen-Z huwag matakot sa pagiging iba,
Ito'y huwag mong ikalungkot at sa sarili'y isisi.
Huwag isipin na ika'y werdo, dahil bukod tangi ka.
Sa mundo ng pangongopya, kumalas ka sa sistema.
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.."
Warning: This is a girl x girl story. So if you're not comfortable reading this kind of genre, I suggest you just read something you like.
There are 18+ scenes here so please please please back off if you're a kid.
All events and characters are fiction.
This is an unedited version so expect errors and typos.
(UNDER REVISION SOON)
Enjoy reading!