Tama nga ang sabi nila, 'Nasa huli ang pagsisisi'. Walang masama kung magsisi ka, ang masama ay ang hindi mo ginawa ang dapat mong gawin nung may oras ka pa. 'Yan lagi ang naka-tatak sa utak ni Mark Jemuel Padilla, isang lalaking puno ng pagsisisi, ngunit ano nga pa ba ang magagawa niya kung huli na ang lahat, ang magsisisi 'yun nalang, walang katapusang pagsisisi. Ganyan ang buhay eh, puno ng pagsisisi na sana ginawa ko nalang yun-- sana ginawa ko nalang 'to. Pero wala ni sinuman ang makakagawa na ibalik ang nakaraan kundi ang diyos lamang, kaya kung nandyan pa dapat sulitin mo na dahil hindi lahat ng bagay nagtatagal sayo.Todos los derechos reservados