Michie ! Michie ! Tara punta uli tayo dun sa may bahay bahay natin" pagyaya ng isang sampung taong gulang na batang babaeng nagngangalang Joy kay Michie . " Sige Joy tara " At pumunta nga sila dun sa sinasabi nila na kanilang bahay bahay sa may bandang likod ng bahay ampunan . Oo , nasa bahay ampunan nga sila dahil sa maaaga silang naulila sa kanilang magulang .Ngunit kahit na sila'y mga ulilang lubos na napakamasayahin pa rin nilang mga bata . Nang makarating sila doon ay naglaro sila ,taguan ,tayaan , habulan at iba pa . Nang may nakita si Joy na isang manika , manika na halatang may kalumaan na dahil may kaunting sira na ito at madumi pa . Pero kahit na ganun ay maaari pa naman itong mapaglaruan kung lilinisan lang. Naisip ni Joy na iregalo ito sa kanyang kaibigan na si Michie dahil sa may nakwento itong pangarap niyang magkaroon ng isang manika.Kaya nang ibigay niya ang manika sa kaibigan ay ganun na lamang ang kagalakan ni Michie.