Ang "DIARY NI BALLENG" ay isang kwento ng isang dalagang mabuntis ng maaga dahil napabayaan ng mga magulang. Isa siyang masayahing babae na malakas humampas habang humahagalpak sa kakatawa. Babaeng hindi kakikitaan ng anumang lungkot.
Ngunit sa likod nito ay isa pala siyang dalagang madaming hinanakit at pagsubok sa buhay.
Dalagang may lasinggerong tatay, mabait na nanay ngunit may iba namang mahal, mga tiyang walang pakialam at hindi alam kung ano ang totoong nararamdaman niya.
Meron din siyang mga kapatid na nasa piling ng kanilang ama'ng pabaya dahil nasa ibang bansa naman ang kanilang ina, kaya kahit may asawa na siya at anak at gusto na niyang bumukod, wala siyang magawa dahil kailangan niyang alagaan at bantayan ang mga kapatid niya na kasama ang kanilang ama. Dahil alam naman niya na iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa ama ay mapapabayaan lang ang mga ito at tuluyan lang siyang mag aalala para sa mga ito.