Ang ekspiryensiya ang magdadala sa atin sa buhay na nais nating marating...
Ang ating mga ekspiryensiya, masaya man o malungkot ang dahilan kung bakit madalas tayong nakakaramdam sa buhay ng kahinaan at kalakasan. Para sa akin, ang mga karanasang nadanas ko ang nagturo sa akin kung paano lumaban, kung paano mabuhay dito sa mundong ating ginagalawan. Ang lahat ng aking pinagdaan ang naging motibasyon at naging inspirasyon ko para maging matatag ako at maging mas mabuting tao. Ang bawat lungkot at ligaya, ang bawat inis at galit na aking nadama, gayundin, ang mga pasakit at mga kabiguan na aking naranasan sa aking buhay at sa pag-ibig ay ginamit ko ring sandigan upang makalikha ng isang obra sa masining na pamamaraan, ang pagsulat ng tula.
Sa pagsulat ko ng mga tula, malaya kong naipapahayag ang aking mga saloobin, ang aking damdamin. Bukod roon, sa paglikha ng mga tula, kahit konti lang, natutulungan ko ang sarili ko na hilumin ang mga sugat na natamo ko mula sa aking nakaraan.
Sana tulad ko, magkaroon din kayo ng maraming aral at inspirasyon buhat sa inyong sariling karanasan. Sana kahit konti, makapagbigay inspirasyon din sa inyo ang mga tulang aking nilikha. Sana, kahit sa maliit na paraan, makatulong ako sa inyong mga pinagdadaanan, maging sa kaligayahan man o sa kalungkutan.
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.."
Warning: This is a girl x girl story. So if you're not comfortable reading this kind of genre, I suggest you just read something you like.
There are 18+ scenes here so please please please back off if you're a kid.
All events and characters are fiction.
This is an unedited version so expect errors and typos.
(UNDER REVISION SOON)
Enjoy reading!