Anong gagawin mo kung ikaw siya? Kung minahal mo na 'yung taong alam mong hindi para sa'yo. Anong gagawin mo para mawala yung nararamdaman mong hindi mo na mapigilan? May magagawa ka pa kaya, kung isa ka lang Cupid?
Paano mo nga ba malalaman kung para sa'yo ang isang tao? Sa mga signs at signals ba? Sa kung paano ka itrato? O sa kung ano ang nararamdaman niyo pareho? Pero paano kung ang pagmamahal na nakita mo ay mula sa hindi inaasahang tao? Susugal ka pa rin ba?