"Ang gobyerno ay nagsasagawa ng mental development test para matuto ang mga kabataan na maging mabuti sa mga magulang nila." "Test? Ibig sabihin may pumapasa at hindi?" "Oo. Sa test na ito. Kailangan mong maipasa ang tatlong buhay na ipaparanas sa'yo." "Paano kapag hindi?" "Basta, alam kong mapapasa mo ito. " nakangiti niyang sabi tapos tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.