Bilang gamer ay babad ka talaga sa computer o cellphone. Minsan mas pipiliin mong maglaro kesa maligo.
Kadalasan mga tahimik pero ika nila, kapag sila ay naglalaro na, dun mo mapapansin ang pagkakaiba.
Sa pag-aantay ng pagsisimula ng laro ay excited na sila, yung dating tahimik ay magiging maingay nalang bigla.
Kapag gamer, madami kang kilala na nakakalaro mo pa. Hindi kelangang magkita-kita dahil hanggang laro nga lang, diba?
Pero paano kung sa kakalaro nila ay magsawa sila? Bigla nalang aalis ng walang paalam, at hindi na magpaparamdam.
Anong gagawin mo kung yung dating kalaro mo, naglaho nalang bigla?
All Rights Reserved