Naniniwala ka ba sa fairytale?
Eh, sa destiny?
Kasi ako... Oo, naniniwala ako. Naniniwala ako sa lahat ng napapanood kong drama o movies, maging ang isang work of fiction na love story sa isang libro ay pinapaniwalaan ko rin.
I grew up believing that we have our own knight in shining armor or either a frog prince. It could be our greatest enemy who would turn out to be a lover, just like Dao Ming Si. Maybe... a stranger we just bump on the street and would get involve in our lives unexpectedly.
Isa ka ba sa umaasang makakatagpo ng maala fictional character na lalaki?
O katulad ka rin ba sa akin na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na magkaroon ng lovelife na kagaya sa mga kdramang sinusubaybayan ko linggo-linggo?
Kase kung oo, aper tayo!
Naniniwala kasi ako sa love at first sight, slomo, butterflies in stomach, sparks o kahit anong kaartehang sinasabi nilang hindi naman daw mangyayari sa totoong buhay. Pwede mo ako tawaging weird, corny, pathetic, isip-bata, shunga, temang o kahit anong itawag mo sa akin, basta ako... Naniniwala talaga akong may mahika ang pag-ibig at lahat ay posibleng mangyari.
I'm April Girl Mandirigma, itatayo at iwawagayway ko ang bandila ng mga hopia romantic na kagaya ko.
Cat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor.
Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up sa kanya ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa lahat ng clinics at hospitals para sa kanya lang magpa-check up.
--
Started: November 16, 2018
Finished: November 12, 2024
Book cover by: Gwin Lentia