Tahimik lang ang buhay ni Angelo Clavero no'n sa isang bahay na pinaguupahan niya, nagagawa niya lahat ang mga bagay na gusto niya na walang nanggugulo,pero lahat ng 'yon ay nagbago. Mula no'ng isang araw may dumating na lalaki sa bahay na 'yon ang akala ni angelo ay makakasundo niya ito, ngunit habang tumatagal ay nakikita na niya ang totoong ugali nito. Siya si Wayne Rey Aldayo ang lalaki na sobrang yabang unang tingin mo palang makikita mo ka 'gad, pero bawi naman sa hitsura at laki ng katawan parang halos lahat ng katangian ng lalaki nasa kanya na,'wag lang yung kabaitan. ano kaya mangyayari pag isang lalaking mahinhin at sobrang yabang ay magsama sa iisang kwarto?