Isa sa sikat at pinakatanyag na paaralan sa buong Pilipinas ---- ang Veridas University. Puno ng mga matatalino, mahuhusay, at kakaibang mga estudyante... mga piraso sa isang larong nakamamatay. Pinamumunuan ng mga pinakatanyag sa bansa. Ngunit sa likod ng mga magagandang larawan, isang sikreto ang naghihintay. Isang kakaibang paraan ng pagpili ng mga susunod sa yapak ng mga dakila... isang landas na puno ng mga palaisipan at panganib. Isang pagsubok na hindi lahat ay kayang lagpasan. Isang pagpili na hindi lahat ay karapat-dapat. Veridas University: "The price of greatness is paid in blood." ~ The place where legends are forged. ~
More details