Gabing-gabi na pero patuloy pa rin si Eaton sa pagtakbo para labanan ang kanyang antok. Isang linggo na siyang walang tulog. Napapasigaw minsan sa tower. Napapahagulgol minsan sa harap ng simbahan. Wari'y may problemang pinagdadaanan. Agad-agad siyang lumalabas ng bahay pagkagaling sa kung saan-saan. Isang gabi, naglaan ng ilang oras ang teenager sa taas ng bundok. Pinagmasdan niya ang langit na puno ng bituin. Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na dulot ng hanging amihan. Napaidlip siya sa kanyang paboritong kahoy na puno ng nakabitin na papel. Bigla-bigla siyang nagising na may narinig siyang sigaw ng isang dalagang babae. Bakas sa kanyang mukha ang lumbay at hinagpis niya sa buhay. "I hate this kind of life. Let us wake up all night and live our life to the fullest. Let us die all young." sigaw ni Eaton sa taas ng tower ng kanilang munisipyo. "Life is so unfair. You never made me happy since I lost my sister. When will I experience love, support and hope? They are always blaming me, pointing me and degrading me." sigaw ng dalaga na nagmumula sa bell tower. Beatrice ang pangalan ng dalaga. Dating masayahin, masigla at matalino na bata. Aktibo sa klase. Nag-iba ang panangin ng mga tao nang mabalitaan nilang muntik siyang mahulog sa bell tower. Naglaho na ang lahat. Napalitan na ng lumbay ang dating masiyahing bata. Paano kaya magtatagpo ang tadhana ng dalawang teenager? Ano kaya ang mga nasa likod ng kanilang pinagdadaanan? Magtatagumpay ba sila sa kanilang laban sa buhay? Damhin ang kanilang emosyon at kilalanin ang kanilang buhay !All Rights Reserved