Paano ba mangarap, sa isang tulad ko? Na walang alam gawin,,, kundi makipag laro sa mga hayop sa bundok. Mahilig akong makipag takbuhan sa mga na alaga ng papang ko , tulad ng kambing, kalabaw, baboy at kabayo. Lumaki ako sa bundok, na kahit kailan, hindi natapakan ang syudad. Mayaman kami, mayaman sa mga hayop!! Hehehehe.. Sabi ng asawa ng papang ko na, palagi nalang daw akong na ngangarap ng gising? Sa kasamaang palad nakapag asawa si papang ng ubod ng sama ng ugali! Grrrr.. At nagkaanak pa sila ng dalawang malditang babae, at mana sa ina ang mga ugali.. Saan ba hahantong ang palagi kong nangangarap ng gising?