Ang librong ito ay koleksiyon ko ng mga tulang aking naisulat sa aking isipan at makapal na kwardeno. Ang mga tulang ito ay mayroong iba't-ibang uri ng tema at pakahulugan na maaring dahil sa aking nadarama at magbabase sa iyong pang-unawa at dinaramdam. Ang isang salita ay maaring magkaroon ng ng maramaing kahulugan, ngunit ang isang linya ay magsasaad lamang ng isang pakahulugan.
Ang bawat saknong ay maaaring walang tugma at hindi magkakaonektado, marahil habang ginagawa ko ang mga tulang ito ay nalilito din ako. Basta ang nais ko lamang ay maisatitik ang bawat nasa isipan ko.
Ang mga tulang ito ay puno ng kalayaan, kalayaan sa bawat emosyong naikulong sa mga panahong walang ni isang nagtangkang umunawa. Ito ay mga tula, tulang maraming naisasaad na mga kwento, ngunit, ito ay patungkol lamang sa isang tao.
Sabi nila ang mga tula ay ginagamitan ng mga talinghaga para mas maging makabuluhan at mas malalim. Ngunit ang bersiyon kong ito ay walang halong talinghaga, may kalaliman ngunit diretso sa punto.
Nais kong ang tulang mga ito ay para bagang mga liham na hindi naihatid sa mga taong paroroonan nila.
Kung ikaw ay isang uri ng tao na mahilig at magkimkim at sarilinin ang mga bagay-bagay ay tiyak na mauunawaan mo ang mga sinasambit ko.