Anong gagawin mo kung apat ang magkagusto sayo? Sinong pipiliin mo? Yung katamtaman ang bait, sikat,mayaman,matangkad, mayabang, bad boy at gwapo?, yung masungit na seryoso,mayaman,matangkad at sikat din? yung medyo maliit na manyak na playboy na mayaman at sikat din? O ung... katamtaman lang ang gwapo, mabait,mayaman,matangkad,mahiyain pero palabiro at sikat din? Sila ang FEELING F4 na magkakagusto sa iisang babae. Masisira ba ang kanilang matagal na PAGKAKAIBIGAN ng dahil lng sa iisang babae? (Wag naman sana) Sino kaya ang pipiliin ni Girl? Sino kaya ang kanyang FOREVER? (May forever nga ba?) Sino kaya ang unang magtatapat ng FEELINGS sakanya? Sino kaya ang unang NAFALL AT NAGMAHAL sakanya? Sya rin ba ung unang magtatapat ng FEELINGS kay Girl?
Sa mga nahulog, or nahuhulog pa lang sa mga best friends nila, oy, basahin nyo 'to. Malay nyo may pag-asa diba.
Ano nga ba ang depinisyon ng best friend. Hmmm. Sya yung taong laging nandyan para sa'yo. Yung taong handang dumamay kapag may problema ka. Sya din yung taong aaway sa mga umaaway sa'yo, yung magsasabi na 'salingin mo nang lahat, wag lang yung best friend ko dahil sigurado akong magkakamatayan tayo!' At syempre, sya din yung nasasabihan mo tungkol sa buhay pag-ibig mo. Kung sino yung taong nagpapakilig sa'yo, at yung taong mahal mo.
Pero papa'no nga ba kung yung taong nagpapatibok ng puso mo eh yung sarili mong best friend? Anong gagawin mo?
Magiging matapang ka ba at sasabihin mo sa kanya kung ano yung nararamdaman mo, o magpapakaduwag na lang at itatago habang buhay yung nararamdaman mo?
Saan ka nga ba sasaya?