Mahirap maging maganda bawat galaw mo tinitignan nila magkamali ka hindi makakatakas sa kanilang mga mata ang mahirap pa, pag gusto mo mangulangot hindi mo magawa.. Mahirap maging matalino kailangan lahat alam mo lahat itatanong sa iyo lahat gusto mong alamin mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover... Mahirap maging sikat lahat sinusundan ka kahit saan ka magpunta,andyan sila sa flash palang ng camera nila, hindi na kailangan pa ng ilaw sa gabi wala ka ng privacy. Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin... Mahirap maging mayaman lahat nakadikot sayo, lahat nakaasa sayo, lahat gusto magpalibre. Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan..