May mga bagay na sadyang hindi mabigyang linaw. May mga bagay rin na sadyang malinaw naman pero ayaw mo lang tanggapin kaya mukhang malabo. Pero may mga bagay na sadyang nakakalito at sobrang labo. Gaya ng sitwasyon naming dalawa. Sitwasyon na walang clarity. Sitwasyon na hindi mo maintindihan kung saan tutungo. Sitwasyon na love ba talaga o sadyang biruan lang. Sitwasyon na alam kong mahal ko siya. Sitwasyon na hindi ko alam kung mahal niya ako.