Halos madurog ang puso ni Luigi, isang 3rd year student, nang magtapat ito nang pag ibig kay Derrick, ngunit ang gagraduate na 4th year na binata ay pinahiya ito sa buong high school nila. Lumipas ang isang taon, at magkokolehiyo na din si Luigi. Gusto nang kanya lola na mag-aral siya kung saan nag-aral nang medisina ang kanyang nakakatandang pinsan na si Rodjun. Ngunit, hindi lingid sa kanyang kaalaman, doon din nag-aaral si Derrick, ang taong lubos na dumurog sa puso niya bilang Civil Engineering student. Pero iba na ngayon si Luigi, ang dating nerdy na high school student noon, binago na ang sarili dahil sa pagiging heart broken. Natutong mag-ayos. Pumorma. At binigyang pansin ang musika at pagpipinta. Sa pagpasok ni Luigi sa unibersidad bilang architecture student, makikilala din ito sa angking nitong galing sa pagkanta at pagtugtog nang gitara. Sa pagkikita nang dalawa sa iisang unibersidad, maaalala pa kaya ni Derrick ang lalaking kanyang pinahiya noon? Mapapatawad pa kaya ni Luigi si Derrick? Paano kung magsimulang magkaroon nang pagtingin si Derrick kay Luigi? Mabubuhay pa kaya ang pagmamahal noon ni Luigi kay Derrick? Paano kung papasok si Diego, isang medicine student, sa eksena? Maagaw ba nito si Luigi kay Derrick? Pagbibigyan ba ni Luigi si Diego na manligaw?