Paano kung yung taong nagpapatibok ng iyong puso ay taliwas sa iyong mga prinsipyo? Paano kung yung taong kinaiinisan mo ay siyang dahilan ng iyong kasiyahan? Paano kung mismong mga mahal mo sa buhay at maging hadlang sa inyong pagmamahalan? Magkaiba ang sinasabi ng utak at puso. Alin sa dalawa ang susundin mo? Handa ka ba sa mga pagsubok na ipaparanas ni tadhana o bibitaw ka na lamang para sa kapakanan niya.