Pula, kahel, dilaw,
Pagmamahalang nakakasilaw
Dinig sa kanilang mga sigaw
Mali na ang ibigin ay ikaw
Luntian, tulad ng sa kulay ng kapaligiran
Kasing ganda ng mga paru-parong nagliparan
Walang pakealam tayo man ay husgahan
Daing ng mga puso'y mahanap ang kapayapaan
Asul, indigo, lila
Tanging nais lang ay magmahal nang malaya
Mali, bawal, kasalanan ang mahalin ka
Babae sa babae, taliwas sa paniniwala
Mga kulay ng bahaghari,
Maganda, ngunit hindi ko mawari
Bakit sa kanila ito ay mali
Ngunit sa akin ay walang pagsisisi
Bahagharing kay gandang pagmasdan
Balang araw kanila ring maintindihan
Ang magmahal ng kaparehong kasarian
Hangga't walang inaapakan, tuloy ang laban
Ngunit, hanggang saan ang kaya mong ipaglaban para sa pag-ibig?
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.