Kristof POV: Ako nga pala si Kristof De Castro 18 years old, medyo matangkad, moreno, di ka gwapohan at galing sa mahirap na pamilya. Nag aaral ako sa pribadong paaralan, graduating na ako ngayong taon. Sa sobrang hirap ng aming buhay ay mas pinagbubutihan ko ang pag aaral ko para makatulog sa aking magulang at sa aking pag tatapos ng senior high school ay kukuha ako ng scholarship para makapag pa tuloy ng pag aaral sa College. Nag iisa lang ako na anak, ang pangalan ng nanay ko ay Kristine De Castro At ang pangalan ng tatay ko ay Toffer De Castro. Sanay na ako na binubully ako kaya hindi na bago sa akin yun dahil simula elementary at high school ay binubully na nila ako dahil bakla ako, salot sa lipunan, pangit at higit sa lahat dukha sa paulit ulit na sinasabi nila sa akin kaya nginingitian ko na lang sila pero sa totoo lang gusto ng kumawala ng mga luha sa Mata ko.... Makalipas ang ilang buwan ay dumating na ang araw ng aming graduation at excited na ako dahil kasama ko sila nanay at tatay, malapit ko narin matupad ang aking pangarap kunting hakbang na lang makakamit ko na ang tagumpay na hinahangad ko para sa akin at sa pamilya ko. Nakapag enroll na ako sa college, isa sa pinaka kilalang school dito sa Dagupan City, Pangasinan. Narrator POV: Makalipas ang isang linggo. Maaga ng natulog si Kristof dahil excited na siyang pumasok bukas. Nagising ng maaga si Kristof para makapag ready na siya ng gagamitin niya sa pag pasok. Nanay: Kristof, baba kana dito ready na ang almusal natin. Kristof: Pababa na ako nay. (umupo na ako agad para mag almusal) Tatay: excited na pumasok ang anak ko. Kristof: oo naman tay, para naman matupad na natin ang mga pangarap natin. Nanay: pagbutihan mo ang pag aaral kristof Kristof: oo naman nay, tay kahit hindi niyo na po sabihin sa akin, gagawin ko po yan. Tatay: Kaya proud na proud kami sayo anak. Kristof: nay, tay mauna na po ako baka malate pa po kasi ako 1st day of school pa naman po. I LOVE YOU POAll Rights Reserved
1 part