ABOUT THE BOOK
Bigo mang mabalaan ng pito ang Rebellion sa naghihintay na panganib sa lungga ng Moderators, nagawa naman nilang malaman ang isang sibilisasiyon na hindi nila inakalang makikita. Isang bagong mundo na siyang sumira sa paniniwala nila na nag-iisa sila.
Ang Eden, isang isla na ilang milya ang layo mula sa Agartha. Magkalayo man ang agwat, konektado naman sila sa karanasan at kasaysayan. Kagaya ng Agartha, naging biktim din ang Eden ng mga malulupit at masasamang plano ng Moderators, at sa kasamaang palad, bigo nila itong napigilan.
Dito sa bagong mundong nadiskobre ni Seph, mas makikilala ang sarili niya. Mga rebelasiyon na sumagot sa ilang katanungan niya, pero hindi niya inasahan at inakala. Pero hindi lang ito ang nabuksan nila, kundi pati rin ang nakakubling plano ng Moderator na walang sinoman ang maniniwala. Isang kagustuhan na siyang papatay hindi lang sa lahat ng nilalang, kundi pati rin sa Thera.
Isang mahirap na desisyon ang kinaharap nila - kung lalaban ba sila o maghihintay ng tamang panahon para sumalakay. Kung pipiliin nila ang una, walang kasiguraduhan na makakalabas sila ng buhay. Pero kapag pangalawa naman, anomang oras pwedeng isagawa ng Moderator ang plano.
Gayunpaman, naging buo na ang desisyon ni Seph. Hindi ito nagustuhan ng iba, pero sinupurtahan nila. Labag man kay Seph, sama-sama nilang nilusob ang lungga ng kalaban. At ang tanging sandata nila para manalo, ay ang paniniwala na mananalo sila.
***
SERIES NO.: 3 of 4
GENRE: Fiction- Fantasy, Dystopia, Supernatural,
CHAPTER: 13 (excluding the Prologue and Epilogue)
WORD COUNT (CHAPTER): Approx. 5,000 words
WORD COUNT (TOTAL): 68,000
All rights reserved
DO NOT PLAGIARIZE!
Matapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapatid na sila Summer at Winter bilang isang college student.
Sa bagong mundo na kanyang tatahakin ay magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan, mga bagong karanasan, at iba pang mga bagay na naging mailap sa kaniya noon dahil sa pagiging "kakaiba" niya.
Ngunit kasabay ng mga pagbabagong ito ay ang pagbangon ng mga panibagong suliranin na susubok sa kanyang katatagan. Muling mababasag ang katahimikan sa pagbabalik ng nakaraan sa kasalukuyan para sirain ang hinaharap.
Bagong Mundo...
Bagong Orakulo...
Bagong Yugto...
Samahan natin si Austin Dale Aragoncillo at ang kanyang mahiwagang kwento.
July 2017