41 parti Completa Akala ni Elena, simpleng dalaga lang siya na abala sa pag-aaral at sa pangarap niyang makaahon ang pamilya sa hirap. Tahimik, seryoso, at walang oras para sa mga pa-cute na love story. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Damien misteryosong transferee na tila ba may dalang sariling bagyo sa buhay niya.
Una silang nagtagpo sa maling pagkakataon, sa gitna ng asaran at inisan. Ngunit habang tumatagal, natuklasan ni Elena na sa likod ng malamig na anyo ni Damien ay may pusong sugatan na matagal nang naghahanap ng tunay na pagmamahal.
Ngunit hindi lang sila dalawa sa kwento. Dumating muli ang kababata niyang si Renz, na handang ipaglaban ang pag-ibig na matagal nang nakatago sa dilim. Idagdag pa ang ex ni Damien na si Sophia, na gagawin ang lahat para mabawi ang binatang minahal niya.
Sa gitna ng selos, sakit, at mga lihim, kakayanin ba nilang ipaglaban ang pag-ibig? O tuluyan silang lalamunin ng dilim ng nakaraan?
💔❤️ "Minsan, bago mo matagpuan ang liwanag, kailangan mo munang harapin ang dilim."