Simula nang iwanan si Ziall ng kaniyang ex-boyriend—na si Arielle—di na niya pinaniwalaan ang “happy endings”. Simula noon, di na niya pinayagan ang sarili niya na mahulog sa isang lalaki. Simula noon ay natakot na siyang muling masaktan.
Pero di gaanong naging madali iyon sa kaniya since siya ang itinuturing na pinakamagandang dilag sa unibersidad na pinapasukan niya. Maraming nanliligaw sa kaniya. Sobrang dami pero wala siyang pinapansin sa mga ito. Nakamarka na kasi sa isipan niya ang gusto niya: Ayaw niyang magkanobyo dahil ayaw niyang masaktang muli.
Pero paano kapag nakakilala siya ng isang lalaking lagpas pa sa “ideal guy” niya ang characteristics? Paano kung di niya nakilala ito sa reyalidad pero sa panaginip lang? Paano kapag nakit niya ito sa personal? Paano kung ligawan siya nito? Ibubukas niya kaya muli ang puso niya o mananatili na lang itong sarado?