Si Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buhay upang maging isang ganap na mandirigma at madiskubre ang sikretong nananalaytay sa kanyang dugo.
Si Dan, isang kalahating tikbalang at kalahating tao,
Si Isabela, isang kalahating diwata at kalahating tao,
Si Luz, isang kalahating anggitay at kalahating tao,
Si Bruno, isang kalahating sarangay at kalahating tao,
Si Kora, isang kalahating sirena at kalahating tao,
Si Fred, isang kalahating kataw at kalahating tao,
Si Jose, isang kalahating dalakitnon at kalahating tao,
At si Emman, isang mortal.
Subaybayan ang walong kabataang may iba't ibang kwento. Saksihan ang kanilang pagsasanay upang maging bagong pangkat ng mandirigmang makikipag tunggali sa nalalapit na banta sa mundo ng mga tao.
Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Date Started: January 2021
Date completed: August 2022
Date editing completed: August 2025
[FINISHED VOLUME 1]
Categories : Mythological Fantasy • Isekai • Adventure • Action
Normal lang ang buhay ni Olin Manayaga sa Cebu, o iyon ang inaakala niya. Ito'y nabulabog no'ng hinabol siya ng isang nilalang na kawangis ng butiki at may pakpak na katulad ng paniki. Sa kabutihang-palad, sumaklolo sa kanya ang isang salamangkero; pinatalon siya sa asul na tubig at dinala siya sa harapan ng kagubatang may sakit.
Siya'y napadpad sa "Kahadras," ang katakot-katakot na mundong nilikha ni Kaptan para sa ibang mortal, mga diyos at diyosa ng Kabisayaan, at mga kakatwang nilalang na akala ng lahat ay pawang kathang-isip lamang.
Ang kanyang misyon ay hanapin ang bulaklak na may samot-saring kulay ang talulot na makagagamot sa karamdaman ng prinsipe ng Melyar. Hindi lang niya inaasahan na sa kanilang pakikipagsapalaran, iba ang madidiskubre niya: hindi siya ang bida sa sarili niyang istorya.
VOLUME 1: ADVENT OF THE BEARER
🖇️ First Published: May 19, 2022
🖇️ Completed Date: August 11, 2022
🖇️ Word Count: 65,000 - 70,000
VOLUME 2: COVETED GOLD
🖇️ First Published: February 15, 2025
🖇️ Completed Date: --/--/----
Cover designed by Lune Aesthete on Facebook
🌟 Featured on WattpadFantasyPH's "Mythological Fantasy" Reading List in 2022
🌟 Added to WattpadFantasyPH's "Mythology & Folklore" Reading List (May 2025)