Oo. Alam ko ang nasa isip niyo. "Kanta to ni Daniel ah!" "Fan ni Daniel?!" "KathNiel siguro ang author!" mga ganyan o baka naman "Ay! Baduy! Title talaga ng kanta?" "Walang maisip?" Oo. Sadyag nagplay lang kasi sa phone ko. Kasama kasi ang "Simpleng Tulad Mo" sa playlist ko. Tinatamad akong lapitan ang phone ko para iskip. Nagluluto kasi ako ng itlog sa mga oras na ito. Wag niyo na tanungin kong paano ko nagagawa ang mag type at ang pagluto. Lol Osya. Naisip kong subukan ulit ang pagsusulat. Pero kung di pa rin ako marunong at di ko NANAMAN matatapos eh, pasensya na. Baka di lang talaga para sa akin ang pagsusulat ng mga kwentong may plot. Mas trip ko ang mga essay, opinyon basta mga ganun ang peg ko talaga. SYPNOSIS: Simple lang naman ang pangarap ni Zandra. Ang mahalin siya ng lalaking halos tatlong taon na niyang mahal, si Lui. Pero may mga pangarap talaga na hanggang pangarap lang talaga. Na kahit anong gawin mo ay di mo maaabot. May mahal kasi si Lui at hindi si Zandra yun.